15-anyos na binatilyo, kritikal sa boga

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na binatilyo ang nasa kritikal na kondis­yon matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan ang biktimang si Jeric Pa­nganiban, out-of-school youth at residente ng Phase 3, Package 1, Block 16, Lot 9, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, alas-8:30 ng gabi, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar nang dumating ang suspek na nakasuot ng sumbrero at may takip sa bibig at walang sabi-sabing binaril ang binatilyo.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente at inaalam na rin ng mga pulis ang motibo nito.

 

Show comments