^

Metro

Singaporean nag-dive mula 22nd floor, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos magkalasug-lasog ang katawan ng isang la­laking Singaporean  na manager ng isang kompanya matapos itong magpatiwakal sa pama­magitan ng pagtalon mula sa ika-22 palapag ng isang condominium sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Quiao Sheng Zhang, 28, branch ma­nager ng Trinco Inc.-BPO Company (isang business pro­cess out sourcing company),  na matatagpuan sa Makati City at nakatira sa Room 22-D Crescent Park Residences Condominium sa 30th St.  panulukan ng 2nd Avenue, Bonifacio Global City (BGC),  Taguig City.

Base sa report na nakarating kay Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, naganap ang insidente alas-4:29 ng madaling-araw sa ika-22 palapag sa naturang condominium sa mismong unit ng nasawi.

Bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima, tumawag muna ito sa ilang kaibigan na hindi nabanggit ang mga pangalan, na ayon dito ay tatapusin na niya ang kanyang buhay at ipaalam na lamang sa kanyang mga magulang ang kanyang sinapit.

Mula sa 22nd floor ay tumalon ito na naging dahilan ng agaran nitong ka­matayan.

Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapatiwakal ng dayuhan.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

BONIFACIO GLOBAL CITY

D CRESCENT PARK RESIDENCES CONDOMINIUM

MAKATI CITY

QUIAO SHENG ZHANG

SENIOR SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TRINCO INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with