Rollback sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Itinapat ng mga kompanya ng langis sa State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong  Noynoy  Aquino ang pag-anunsiyo nila ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ito ay pinangunahan ng Petron Corporation at Pilipinas Shell na nagbaba ng P1.20 sa litro ang gasolina, P0.25 sa diesel habang P0.20 naman kada litro ng kerosene na epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw (Hulyo 29).

Nabatid na bandang alas-6:00 kahapon ng umaga ay nagpatupad din ang Phoenix Petroleum ng rollback na kahalintulad din na halaga.

Habang ang iba pang kompanya  ay hindi pa nag-aabiso ng pagbawas ng presyo ay inaasahang susunod na rin ang mga ito. Ang muling pagpapatupad ng rollback ay bunsod sa pagba­bago ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan, noong Hulyo 22 ay nagpatupad ng dagdag bawas ang nabanggit na mga oil company.

 

Show comments