Nene binuntis ng tiyuhin

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na cellphone technician ang binitbit ng mga barangay tanod at itinurn-over sa Manila Police District (MPD) matapos idulog ng kanyang 14-anyos na pamangkin na umano’y kanyang ginahasa at binuntis.

Sa ulat mula sa MPD-Women and Children and Protection desk, inireklamo ng kasong rape ng biktimang itinago sa pangalang “Nene” ang suspek na si Bayani Meridol, residente ng  Oroquieta st., Sta. Cruz, Manila, mister ng kaniyang tiyahin.

Dakong alas-12 ng madaling-araw ng bitbitin ng mga  baran­gay tanod ng Brgy. 310, Zone 31 ang nasabing suspek.

Nabunyag ang insidente nang maikuwento ng biktima sa kaniyang kaibigan ang ginagawa ng suspek sa tuwing wala umano sa bahay ang kaniyang tiyahin.

Saleslady umano ang kaniyang tiyahin at naiiwan siya sa bahay nito kasama ang dalawang pinsan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso upang matiyak kung may katotohanan ang nasabing sumbong at kung positibong buntis ang biktima habang pansamantalang nakapiit ang suspek.

Show comments