Trike driver, inatado ng kalugar

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver habang sugatan din ang lalaking kaalitan nito matapos na mauwi sa saksakan ang kanilang pagtatalo sa hindi mabatid na dahilan sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Joel Villanueva, 36, ng Brgy. Apolonio Samson.

Habang ginagamot din sa ospital ang suspek na si Artemio Armencion, 37, pintor­ ng nasabi ring barangay.

Ayon kay PO2 Rhic Pittong­, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Cristine St., Parkway Village­, Brgy. Apolonio Samson, ganap na alas-8:20 ng gabi.

Sabi ng saksing si Janeth Cordon, nasa gilid siya ng isang tindahan nang makita niya ang biktima at suspek na nagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, bigla umanong naglabas ng patalim si Villanueva at inundayan ng saksak si Armencion na tinamaan sa kaliwang braso.

Pero, kahit sugatan nagawa pa ni Armencion na maagaw ang patalim sa biktima saka pinagsasaksak ito.

Kapwa isinugod sa Quezon City General Hospital ang dalawa, pero idinekla­rang dead on arrival si Villa­nueva habang si Armencion naman ay patuloy na inoobserbahan.

Show comments