MANILA, Philippines - Lasog ang hindi pa kilalang lalaki nang mahagip ng tren at tumilapon ng ilang metro habang naglalakad sa tabi ng riles sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Inilarawan lamang ang biktima sa edad na 45 hangggang 50-anyos, may taas na 5’3 hanggang 5’5’’.
Sa ulat ni SPO1 Rey Fernandez ng Manila Traffic Enforcement Unit , dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahagi ng Buenos Aires sa Sta. Mesa, Maynila.
Sa kabila umano ng maingay na pagbusina ng rumaragasang Philippine National Railways train ( body no. MSC-800) na nasa northbound galing Taguig at patungo sa tutuban, hindi umano ito pinansin ng biktima at nakita na lamang itong tumilapon.
Sa pagbagsak sa semento ay humampas ang ulo at agad ring namatay ang biktima.