^

Metro

Pasyente sa rehab, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na pas­yente sa isang drug rehabili­tation center sa Quezon City ang nagpakamatay sa pamama­gitan umano ng pagbigti sa sarili sa loob ng comfort room, iniulat kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Ernesto Saldana, stay-in sa Holding Path Foundation, Inc. na matatagpuan sa Newport corner Malboro St., Brgy. East Fairview.

Ayon kay PO2 George Ca­culba, nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kasamahang pasyente na si Vincent Medina Ramos, ganap na alas-10:15 ng umaga.

Sinasabing si Saldana ay isinasailalim sa drug rehabi­litation program sa naturang foundation kung kaya nanatili ito rito, kasama ang ilang mga pasyente. Sabi ni Ramos, nang magpunta siya sa comfort room napuna niyang nakakandado ang pinto dahilan para katukin niya ito ng ilang beses, pero walang sumasagot.

Sa puntong ito, nagdesisyon si Ramos na humingi ng ayuda sa kasamahan at puwersahan nilang binuksan ang pinto kung saan  tumambad sa kanila ang katawan ng biktima habang nakabitin sa kisame gamit ang kulay brown na kumot na ipinalupot sa kanyang leeg.

Agad nilang ipinagbigay alam ang insidente sa opis­yales ng foundation at kinalas ang biktima sa pagkaka­bitin saka itinakbo sa Fairview Ge­neral Hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

EAST FAIRVIEW

ERNESTO SALDANA

FAIRVIEW GE

GEORGE CA

HOLDING PATH FOUNDATION

MALBORO ST.

QUEZON CITY

RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with