^

Metro

Sandbagging sa bawat barangay, isusulong ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang sand­bagging project  sa bawat barangay ngayong panahon ng tag-ulan na kadalasang nagreresulta nang pagbaha sa Ka­lakhang Maynila.

Paniwala ni MMDA Chairman Francis Tolentino, malaki umano ang maitutulong nito upang maiwasan na malubog sa tubig-baha ang mga kabahayan kapag bumuhos ang malakas na ulan o kaya’y kapag may bagyo.

Sinabi nitong kung maaari ang bawat bahay  ay magtabi o magtago ng 10 sandbags na maaring gamitin sa pagpigil sa tubig.

“Gusto kong institutionalize yung sand­bagging in every ba­rangay at least 10 sandbags for every houses in flood prone areas,” dagdag pa ni  Tolentino.

Partikular pa rin na  pinaaalalahanan ni Tolentino ang mga barangay na kabilang sa 22 flood prone areas, na dapat umanong magtago ang mga ito ng 50 sandbags na siyang maaring ga­gamitin upang maibsan ang tubig baha sa kanilang lugar.

Dahil dito, humingi na rin ng tulong si Tolentino sa mga construction  companies na kung maaari ay mag-donate  ng kanilang buhangin para sa gagawing sandbagging project dahil ito aniya ay   para naman sa kapakinabangan ng lahat.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

ISINUSULONG

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

PANIWALA

PARTIKULAR

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with