^

Metro

3 huli sa buy-bust operation ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang babae at isang lalaki matapos makuhanan ng 100 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Di­rector General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Bolawan Sultan, 29, ng Philam Agham Road, QC; at Emah Ismael, alias Em, 32, ng Fairview, QC; at Junaid Sultan, 18, ng Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Cacdac, nada­kip ang mga suspek ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) matapos ang buy-bust operation na isinagawa sa isang food chain sa Commonwealth Avenue, ganap na alas-5:30 ng hapon.

Nagkunwaring bibili ng halagang P500 shabu ang isang PDEA agent sa mga suspek at nagkasundo na magpalitan ng items sa nasabing lugar.

Dagdag ni Cacdac, ang 100 gramo ng shabu na na­kuha sa mga suspek ay tinatayang nagkakahalaga ng P250,000 sa merkado.

 Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang cellphone at ang  P500 marked money na ginamit sa buy-bust.

 Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BOLAWAN SULTAN

CACDAC

COMMONWEALTH AVENUE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

EMAH ISMAEL

GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

JUNAID SULTAN

PHILAM AGHAM ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with