^

Metro

Kasong rape na isinampa ni Deniece vs Vhong, ibinasura

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura kamaka­lawa ng Taguig City Prosecutor’s Office sa piskalya ang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa actor at TV host na si Vhong Navarro.

Kaugnay nito, nani­niwala ang kampo ng aktor sa pamamagitan ng abogado nitong si  Atty. Alma Mallonga,  na mapapabilis ang pagkakamit ng katarungan nito hinggil sa kasong serious illegal detention at grave coercion na isi­nampa naman nila laban sa grupo nina Cedric Lee, na nakadetine nga­yon sa custodial center ng National Bureau of Investigation (NBI) at Cornejo na nakakulong naman sa Camp Crame.

Napag-alaman kay Atty. Mallonga na dinismis ng Taguig City Prosecutor’s Office ang kasong rape na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro.

Ayon kay Atty. Ma­llonga­, nakasaad sa resolution ng Taguig City Prosecutor’s Office,  na kung totoo ani­yang  ginahasa ni Navarro si Cornejo noong Enero­ 17 ng taong ka­salu­ku­yan, kataka-taka na inan­yayahan niyang muling bumalik sa kanyang condo ang aktor.

Ito aniya ang isa sa  naging ground ng piskalya  upang ibasura ang kasong rape na isinampa nito laban  kay Navarro.

 

vuukle comment

ALMA MALLONGA

CAMP CRAME

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

NAVARRO

SHY

TAGUIG CITY PROSECUTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with