2 niratrat sa Pasay

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang da­lawa katao matapos na paulanan ng bala  ng hindi pa nakikilalang suspek, ka­makalawa ng hapon sa Pasay  City.

Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga bik­­timang sina Mark Victor Buenafe, 25, nagtamo ng tama ng bala sa siko  at kanang paa at Mitch Dela Peña, 29, na nagtamo naman ng tama ng bala sa kanang hita at paa, kapwa residente ng  Zone 8, Brgy. 67 ng natu­rang lungsod.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa report na natanggap ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon sa panulukan ng Orion St., at Arnaiz Avenue ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo  sa naturang lugar nang  bigla na lamang paulanan ng bala ng hindi nakikila­lang lalaki. Mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

 

Show comments