^

Metro

3 TF pinaigting vs krimen sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na unti- unti nang mareresolba ang iba’t ibang krimen  sa tourist­ belt at kahabaan ng Roxas Blvd. sa mas lalo pang pinaiigting na tatlong task force ni  MPD Director Chief Supt.Rolando Asuncion.

Ang paniniyak ay ginawa naman ni MPD-Station 5 chief, Supt. Rolando  Macapas kasunod ng pag­papalabas ng direktiba at pagpapakalat sa kanyang mga tauhan sa Roxas Blvd., tourist belt at baywalk.

Sa deployment ng mga pulis, mas mahihirapan ang mga criminal na magsagawa ng illegal operation.

Ayon kay Macapas, sinisimulan na nilang linisin mula sa mga palaboy at vendor ang tourist belt. Aniya, ‘eyesore’ ang mga ito na dapat na disiplinahin at  linisin.

Nabatid kay Macapas na pinaiigting din nila ang  kanilang intelligence network upang matukoy kung sino ang nga responsible sa pambibiktima ng mga turista.

Makikipag-ugnayan din sila sa mga hotel  administration  upang gawing mandatory ang mga pagkuha sa mga plate number ng mga taxi na sinasakyan ng  kanilang mga occupants  bilang seguridad sa panloloko o anumang uri ng modus operandi ng mga tax driver.

Aniya, kadalasan din aniyang  ang mga taxi dri­ver­ ang nambibiktima sa mga turista lalo na’t unang pagkakataon ng turista na magtungo sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni Asuncion na kailangan­ na malinis at maayos ang Maynila partikular ang  tourist belt mula sa iba’t ibang krimen dahil isa ito sa mga panghihikayat sa mga turista na makatutulong naman sa ekonomiya ng  bansa.

ANIYA

ASUNCION

DIRECTOR CHIEF SUPT

MACAPAS

MANILA POLICE DISTRICT

ROLANDO ASUNCION

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with