Empleyado ng Muntinlupa City hall, dedo sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall Office matapos itong tambangan ng riding in tandem na suspect, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Wilfredo Pastrana, 47, isang biyudo, draftsman sa Assessor’s Office at nakatira sa Katarungan Village, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City sanhi ng tinamong maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Allan Cruz Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insiÂdente alas-12:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Bruger St., at kahabaan ng National Road, Brgy. Putatan ng naturang lungsod habang papatawid ang biktima nang salubungin ng isang puting Yamaha motorcycle na walang plaka.
Walang salitang pinagbabaril ang biktima ng dalawang kalalakihang nakasakay dito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang pamamaril.
Sa nakalap na impormasÂyon ng pulisya, nabatid na parati umanong may kalalakihang nag-aabang sa biktima.
Isa sa anggulong mga iniÂimbestigahan ngayon ng Muntinlupa City Police ang trabaho nito bilang draftsman sa Assessor’s Office ng Muntinupa City Hall Office, na posibleng may kinalaman sa pagpatay dito.
- Latest