^

Metro

Bodega ng plastik, natupok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang bodega ng plastic, kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Bandang alas-6:00 ng umaga nang mag-umpisang sumiklab ang apoy sa bodegang pag-aari ng isang Sandy Uy sa may Domingo Compound, Brgy. Rincon at itinaas sa Task Force Bravo ng Bureau of Fire Protection ng alas-9:40 ng umaga. Nabatid na imbakan umano ito ng mga plastic materials na tinutunaw upang ihulma bilang mga produktong plastic tulad ng balde, palanggana, tabo, upuan, at iba pa.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng pinagmulan ng apoy ang ginagawang pagwe-welding ng isang tauhan ng bodega sa naturang lugar.  Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang detalye nito buhat sa mga saksi. Nahirapang maapula ng mga bumbero ang apoy dahil sa matagal talaga umanong ma­ubos ang apoy buhat sa plastic.  Bahagya namang nakatulong ang pagpatak ng ulan ngunit muling sumisiklab ang apoy nang tumila ito.  Aminado naman ang pamunuan ng Valenzuela Fire Department na wala pa silang “chemical boom” para magamit sa mga sunog na may matinding kemikal.  Sinabi ni Dr. Arnaldo Antonio, hepe ng City Risk Reduction and Disaster Management na nakatakda na umano silang bumili nito dahil sa kasama na ito sa budget ngayong taon.

AABOT

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CITY RISK REDUCTION AND DISASTER MANAGEMENT

DOMINGO COMPOUND

DR. ARNALDO ANTONIO

SANDY UY

TASK FORCE BRAVO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with