MANILA, Philippines - Pinag-iingat ngayon ng Manila Police District (MPD) ang publiko laban sa paglipana ng mga ‘Batang Hamog’ partikular sa Malate, Maynila.
Ang babala ay bunsod na rin ng reklamo ni Yeonkyung Jin, 27, ng no. 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig City sa MPD-General Assignment Section (GAS).
Ayon sa pulisya, nagpapanggap na mga nagtitinda ng buÂlaklak at nagpapalimos ang mga batang palaboy na pinaniniwalaang pinakikilos ng sindikato.
Sa salaysay ng Korean national, naglaho ang kaniyang wallet na nalalaman ng $500, P2,000 at cellphone matapos siyang palibutan ng tinatayang 12 batang kalye, na ang ilan ay nag-aalok ng sampaguita at rosas, habang ang karamihan ay nanghihingi umano ng pera, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Sabado, sa Adriatico st., Malate.
Ani PO3 Jayjay Jacob, nangyari ang pandurukukot habang naghihintay ng taxi ang mga biktima nang lumabas ng bar.
Nagsasagawa naman ng operasyon ang mga operatiba ng MPD-GAS para hanapin ang mga batang mandurukot na pinaniniwalaang may nasa likod na nagmamando sa istilo ng pandurukot.