Shabu iniwan sa comfort room ng fast food
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng shabu na natagpuan sa loob ng comfort room ng isang fast food chain sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Lumalabas sa inisyal na report ng Caloocan City Police, alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ng isang crew na hindi na binanggit ang pangalan ang bag sa loob ng comfort room ng isang branch ng isang sikat na fast food sa Sangandaan sa naturang lungsod.
Dahil sa insidente ay kaagad na ipinaÂalam ito sa naka-duty na guwardya sa pangambang bomba ang laman na mabilis namang itinawag sa mga pulis.
Agad namang rumesponde ang mga bomb expert ng Caloocan City Police at siniyasat ang laman at dinala sa ligtas na lugar.
Nang buksan ay doon nabatid na shabu ang laman ng bag na tinatayang aabot sa mahigit isang kilo. Inaalam na kung sino ang nag-iwan ng bag na pinaniniwalaang maaaring may kukuha nito.
Tinitingnan na rin ang kuha ng closed circuit television kung nahagip ang nag-iwan nito.
- Latest