Ginang na OFW, tinangayanng bagahe ng sinakyang taxi
MANILA, Philippines - Isang ginang na Overseas Filipino Worker (OFW) ang natangayan ng kanyang mga bagahe ng sinakyan nitong taxi, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Halos manlumo nang magtungo sa himpilan ng Pasay City Police Station ang biktimang si AlmaÂliza VaÂleriano, 29, tubong-TugueÂgarao, Cagayan at naniÂniÂrahan sa Alvarez St., Pasay City.
Sa naging pahayag ng biktima kay Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), alas-9:30 ng gabi nang parahin nito ang isang taxi na may plakang TXP-530 sa panulukan ng Tramo at Gil Puyat Avenue ng nasabing lungsod kasama ang kanyang pinsang si Maricel Pangan.
Inilagay umano nila sa compartment ng taxi ang kanilang mga bagahe.
Pagdating sa kanilang bahay ay bumaba ang biktima kasama ang pinsang si Pangan at nang kukunin na niya ang kanyang mga bagahe sa compartment ay biglang pinaharurot ng driver ang minamanehong taxi.
Ayon sa biktima, maÂraming mga mahahalagang gamit ang nakalagay sa bagahe nito tulad ng laptop, passport at mga alahas.
Nabatid, na halos wala pang isang linggo sa Pilipinas ang biktima at kailan lang ito dumating mula sa Canada.
Sinabi pa ng biktima na nakatakda sana siyang umuwi ng Cagayan upang pasyalan ang kanyang mga magulang kaya’t kabilang sa mga bagahe na natangay ng driver ang mga pinaÂmiling pasalubong sa kanyang mga mahal sa buhay.
Dahil dito, humingi naman ng tulong ang biktima sa pulisya at kasabay na naÂnawagan ito sa taxi driver na isauli na lamang ang kanyang mga mahahalagang papeles na nakalagay din sa isang bag na kasama sa tinangay nito.
Samantala makikipag-ugnayan naman ang mga pulis sa Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) kung sino ang operator ng nasabing taxi upang madakip ang suspek.
- Latest