Biktima ng holdap, natagpuang patay

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang nakahandusay sa madilim na bahagi ng Quirino Highway sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Nagtamo ang biktima ng dalawang saksak sa dibdib at pinaniniwalaang biktima nang panghoholdap. (Kuha ni BERNARDO BATUIGAS)  

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na may saksak sa dibdib ang natagpuan malapit sa isang chapel sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 George Caculba, walang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan  sa pagitan ng edad 30-35, payat, nakasuot ng striped na t-shirt, maong na pants, at shorts.

Ang biktima ay nadiskubre, alas-2:45 ng madaling-araw malapit sa St. Peter Memorial chapel, Tullahan Bridge, Brgy. Gulod, Novaliches sa lungsod.

Ang barangay official na rin ang tumawag sa pulisya  para sa pagsisiyasat.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng biktima ng holdap ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments