MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin ang warden ng Manila City Jail (MCJ) matapos ang isinagawang greyhound operation kung saan nakumpiska ang ipinagbabawal na items at mapanganib na armas kasama ang P300,000 cash.
Ayon kay Bureau of Jail Management and PenoÂlogy (BJMP)-National Capital Region Senior Supt. Romeo Vio, may ulong gugulong sa MCJ, kaugnay sa nasabing insidente.
Sabi ni Vio, inatasan na niya na magsagawa ng imbestigasyon at hinihintay na lang ang resulta bago ang pagbaba ng desisyon kung hindi o dapat na sibakin ang jail warden na si Supt. Baby Noel Montalvo.
“Wala tayong sasantuhin dito, kapag napatunayan natin nagpabaya ang warden ay automatic relieve siya,†sabi ng BJMP official.
Noong nakaraang Sabado nagsagawa ang BJMP-STAR team ng greyhound sa koordinasyon ng Regional Intelligence Division at nakumÂpiska ang isang .380 pistola, mahigit sa 100 piraso ng marijuana leaves at shabu, P300,000 cash , isang laptop, ilang piraso ng cellphones at deadly weapons.
Ang nasabing items ay nasamsam mula sa selda o dorms 9 at 10 ng Batang City Jail. Sa ilalim ng alintunin ng BJMP, ang pagkakakumpiska sa mga nasabing items sa pasilidad ng piitan ay naÂngaÂngahulugan ng pagsibak sa warden na nangangalaga dito.
Si Montalvo ay umupo sa MCJ noong July 7 ng nakaraang taon, kapalit ni warden (Senior) Supt. Lyndon Torres.