Number coding suspendido bukas

Minamadali ng mga manggagawa ang konstruksyon sa harap ng Rizal Monument sa isasagawang pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan bukas. Kuha ni EDD GUMBAN

MANILA, Philippines - Suspendido bukas, Hulyo 12  ang number coding para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

 Ito ang abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng mga motoristang babagtas sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila.

Nangangahulugan ito na makakabiyahe ang mga sa­sakyan na may plakang nagtatapos sa numerong 7 at 8.

Nabatid na sa ilalim ng number coding scheme,  ang mga sasakyan ay bawal bumiyahe sa mga pangunahing lansa­ngan sa Metro Manila depende sa huling numero ng kanilang plaka.

Show comments