MANILA, Philippines – Sa kanilang kampanya upang malinis ang kanilang hanay, sinipa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes ang dalawa traffic constables, habang pito ang sinuspinde dahil sa pangingikil.
Hindi naman pinangalanan ni MMDA chairman Francis Tolentino ang mga naparusahan.
"This is part of our regular efforts to cleanse our ranks. We will never tolerate any wrongdoing from our employees," wika ni Tolentino.
Ang dalawang naturang enforcer ay nakatalaga sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
Samantala, 90 araw namang suspendido sina Rommel Millanes, Larry Tibos, Romeo Rabaya, Ariel Merin, Elmer Santos, Marlo Gateos, at Cesar Aguilar habang dinidinig ang kanilang kasong grave misconduct.
"Let this serve as a stern warning to all our erring employees. We will enforce the laws without prejudice to anyone," pahayag ni Tolentino.
Nangako si Tolentino daraaan sa due process ang pagdinig sa kaso ng mga enforcer at tiniyak na magkakaroon ng fair hearings.