^

Metro

20 pasyente libre sa CT SCAN sa Taguig Hospital

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng Computed Tomography (CT) scan ang Taguig-­Pateros District Hospital sa unang 20 pasyente na nangangaila­ngan ng eksaminasyon.

 Ipinagmalaki ni Mayor Lani Cayetano na nitong Mayo 29, binuksan ang bagong CT scan facility ng naturang pagamutan para magbigay ng mas mahusay na serbisyong medikal sa lungsod.

 Bukod dito, binuksan na rin ang bagong Tuberculosis Directly Observed Treatment Shortcourses (TB-DOTS) clinic.

Bukod sa libreng serbisyo sa unang 20 pas­yente, magbibigay naman ng 40% diskuwento sa mga susunod na pasyente sa CT scan.

 â€œBefore our procurement of the CT scan, patients had to go to other hospitals for their scans. With this new facility available 24/7 there will be no unnecessary delays in diagnosis and treatment,” ayon kay Cayetano.

 Una namang inilunsad ng pamahalaang lungsod ang programang “Doctor On Call (DOC)” na nagbibigay ng agarang medikal na atensyon sa loob ng 24 na oras kada araw.  Maaari lamang tumawag sa telepono bilang #225-1833 at 0917-821-0896, at bibisita ang isang doktor mismo sa kanilang tahanan.

 

BUKOD

CAYETANO

COMPUTED TOMOGRAPHY

DOCTOR ON CALL

IPINAGMALAKI

MAAARI

MAGBIBIGAY

MAYOR LANI CAYETANO

PATEROS DISTRICT HOSPITAL

TUBERCULOSIS DIRECTLY OBSERVED TREATMENT SHORTCOURSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with