^

Metro

Bagitong pulis, patay sa ambush

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis nang barilin ng isa sa dalawang suspek na sakay  ng magkahiwalay na motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Dead-on-the-spot ang  biktimang si PO1 Louie Soledad, nakatalaga sa Muntinlupa City Police at nakatira sa  NBP Reservation, Barangay Poblacion, Muntinlupa City sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-2:40 ng madaling araw sa Alabang-Zapote Road, Bgy. BF Almanza ng naturang lungsod.

Sa pahayag ng mga saksing sina  Albert Salvador 30 at Jonel San Pedro, 20,   sakay ng kanyang  motorsiklo ang biktima at ang isa sa mga suspek ay sakay din ng motorsiklo.

Bigla umanong duma­ting ang isa pang suspek na sakay din ng isa pang motorsiklo at dito na nila narinig  ang pagmamaka-awa ng biktima, subalit hinablot bigla ng isa sa suspek ang bag ng pulis bago siya pinaputukan ng sunud-sunod.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng kani-kanilang motorsiklo nang duguang bumulagta ang bagitong pulis.

Ayon kay Samala, posibleng kilala ng biktima ang mga suspek bagama’t wala pa silang impormasyon kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Napag-alaman na da­ting nakatalaga sa Las Piñas City Police Station si Soledad, subalit nagpalipat ito sa Muntinlupa City Police dahil sa naturang lungsod lamang siya naninirahan.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ang siyam na basyo ng bala ng kalibre .45 sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

ADOLFO SAMALA JR.

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ALBERT SALVADOR

AYON

BARANGAY POBLACION

LAS PI

MUNTINLUPA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with