^

Metro

Gay bar ni-raid ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa  20 kalalakihan kabilang ang 11 macho dancers  ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang notoryus na gay bar sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni NBI-Anti Human Trafficking Division (AHTD) chief, Atty. Dante Bonoan, isi­nailalim sa surveillance ang Ma­tikas Entertainment Bar sa panulukan ng Roosevelt at Quezon Avenue sa Quezon City matapos makakuha ng impormasyon na nagsa­sayaw ng hubo’t hubad ang mga macho dancer sa harap ng mga kababaihang customer nito.

Maliban sa mga kalalakihan, sinagip din ng NBI at mga kinatawan ng Quezon City Department of Social Welfare ang limang kabataan na nagkakaedad ng 10, 14, 11,  na isa ay babae.

Gayon pa man, walang partisipasyon sa bar ang mga menor-de-edad na binitbit lamang sila ng mga magulang nila na nagtatrabaho sa nasabing bar dahil walang mag-aalaga.

Isa umanong paglabag sa Child Abuse Law ang ginawa ng ina na ilantad sa murang isipan ng mga bata ang malalaswang palabas ng bar.

Hinahanda naman ng awtoridad ang ikakaso laban sa may-ari ng bar dahil sa paglabag nito sa Anti-Human Trafficking Act.

ANTI HUMAN TRAFFICKING DIVISION

ANTI-HUMAN TRAFFICKING ACT

CHILD ABUSE LAW

DANTE BONOAN

ENTERTAINMENT BAR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with