Police informer nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang 59-anyos na pinaniniwalaang police informer habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa bakuran ng kanilang bahay sa  Daop Palad Street sa Barangay 201, Pasay City, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Pasay City General Hospital si Nelson Guevarra matapos mapuruhan sa ulo at tiyan habang sugatan naman si Rosemarie Guevarra na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa. Ayon kay ni P03 Giovanni Arcinue, naganap ang krimen bandang alas-11: 30 ng gabi sa labas ng bahay ng mag-asawa sa nasabing barangay. Napag-alamang nakaupo sa labas ng kanilang bahay ang mag-asawa nang lapitan at ratratin ng dalawang gunmen. Hawak ng pulisya ang footage ng close-circuit television kung saan namataang pagsakay at pagbaba sa kotse ng isa sa suspek na si Esmael “Jojo” Lopez ng Parañaque City na sinasabing namukhaan ng mga anak ng mag-asawa.

Show comments