LPG tank sumabog: 42 sugatan
MANILA, Philippines - Umabot sa 42 katao ang nasugatan matapos su mabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Parola Compound, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Manila Fire Department Supt. Jaime Ramirez, bandang alas-6:45 ng gabi noong Lunes nang sumabog ang tangke ng LPG. Nabatid na sumingaw ang tangke ng LPG na binili ni Alfredo Puro kaya inilabas nito at dinala sa isang eskenita kung saan nagkataong nagluluto ang kanyang kapitbahay na pinagmulan ng apoy. Kumalat ang apoy at nadamay sa sunog ang ilang bahay. Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), 37 ang ginamot sa ospital subalit marami ring hindi na nagpadala pa sa pagamutan dahil sa kawalan ng pera subalit ayon naman sa barangay, aabot sa 42 ang nasugatan dahil sa insidente. Hindi na rin sinisi ng mga biktima si Puro lalo pa at malubha ang lagay niya sa ospital.
- Latest