^

Metro

5,000 mag-aaral, nabiyayaan ng school supplies

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling namahagi si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa 5,000 mahihirap na mag-aaral sa nasabing lungsod ng mga school supplies sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ang pagbibigay ng mga school supplies na bahagi ng proyektong Child Friendly na kinabibilangan ng mga bags, papel, notebooks at iba pang gamit ng mga estudyante sa pag-aaral.

Nakipagtulungan sa pamamahagi ng mga school supplies ay ang mga lider ng barangay mula sa 142 barangay sa nasabing lungsod.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, karaniwang naisasagawa ng tanggapan ang pamamahagi ng school supplies kapag magsisimula na ang Hunyo upang mapunan ang kailangang school materials ng mga estud­yante na wala pang gamit pang-eskuwela dahil sa kahirapan.

Naiulat din na may 50 piling mga kabataang mahihirap ang nai-treat ng Philippine Stewardees Association  sa Resorts World Manila bilang pagbibigay ng kasiyahan sa mga ito bago magpasukan.

Nabatid na nakipag-ugnayan kay Vice Mayor Belmonte ang nasabing samahan para pumili ng mga isasama sa pro­yekto ng mga stewardess at isang araw ang mga kabataang itong kasama ng grupo sa nabanggit na lugar noong Miyerkules.

 

AYON

CHILD FRIENDLY

HUNYO

MIYERKULES

PHILIPPINE STEWARDEES ASSOCIATION

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

RESORTS WORLD MANILA

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with