^

Metro

3-day school week sinuportahan ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isinusulong na three-day school week ng Department of Education (DepEd) sa Metro Manila para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino, malaki ang maitutulong ng nasabing programa kumpara sa kanyang panukala na four-day school week na hindi makukumpromiso ang kalidad ng edukasyon ng mga estudyante.



Nakatakda namang maki­pag-ugnayan ang MMDA sa DepEd para talakayin ang nasabing panukala.



Nabatid na pinag-aaralan ng DepEd ang pagpapatupad ng panukala para mahati ang dami ng mga mag-aaral na papasok sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila.



Matatandaang nauna nang inilatag ni Tolentino nitong pagpasok ng 2014 ang panukalang apat na araw na pasok sa eskwelahan sa harap na rin ng ma­raming magkakasabay na road projects ng DPWH pero hindi ito inaprubahan ng DepEd.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF EDUCATION

MATATANDAANG

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

NAKATAKDA

SINUPORTAHAN

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->