Miyembro ng gang, pinabulagta

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagiging marahas ng mga kabataang miyembro ng gang makaraang isa ang mapatay sa naganap na engkuwentro ng magkalabang grupo, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Napatay sa mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Reden Casaclang, 21, miyembro ng Avatar Gang at residente ng Phase 5, Flovihomes sa Barangay Tonsuya sa nabanggit na lungsod.

Patuloy na kinikilala ang mga suspek na pawang mga miyembro ng “Siete Bulabog Boys”.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naglalakad mag-isa ang biktima sa eskinita nang habulin ng mga suspek dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Nagtangka pang tumakbo ang biktima ngunit tinamaan na ito ng bala ng baril kung saan  mabilis na nagsitakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Show comments