P25-M shabu nakumpiska sa 2 Tsino

File Photo

MANILA, Philippines – Himas rehas ngayon ang dalawang Tsino matapos masakote sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Quezon City.

Tinatayang nagkakahalaga ng P25 milyon ng shabu ang nabawi mula sa mga suspek na sina Benedict Ong at Benson Lao nang madakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District - Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group.

Nahuli ang dalawa matapos pagbentahan ang isang undercover agent ng mga awtoridad kahapon sa Regalado Avenue, North Fairview, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng QCPD headquarters sa Camp Karingal sina Ong at Lao habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanila.

Show comments