MANILA, Philippines - Inoobserbahan ngayon ang kondisyon ng isang mister makaraang masaksak ng kanyang misis sa gitna ng kanilang away sa loob ng bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Isinugod sa Tondo MeÂdical Center ang biktimang si Norman Yondan, 30, chef ng isang hotel at residente ng Victoneta St., Brgy. PotÂrero, ng naturang lungsod. Naaresto naman ang misis nitong si Maricel, 26-anyos.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawang Yondan. Lasing umano ang mister nang dumating sa bahay at kinompronta ang asawa.
Ayon naman kay Maricel, nagawa lamang niyang saksakin ang mister dahil na rin sa madalas na pananakit nito sa kanya tuwing malalasing.
Agad namang nakahingi ng saklolo si Yondan sa mga kapitbahay na nagdala sa biktima sa pagamutan habang kusang-loob na sumuko ang misis.
Inaalam naman ang piÂnagtalunan ng mag-asawa bago ang pananaksak.