^

Metro

Villar, Romulo pinarangalan sa PUP commencement exercises

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagtatapos ng may  8,613 estudyante ng Polytechnic University of the Philippine (PUP) mula Mayo 12-14,  ginawaran din ng parangal ng “Tanglaw ng Bayan”  sina   Sen. Cynthia Villar at  Rep. Roman Romulo  na ginanap sa  PICC.

Ang “Tanglaw ng Bayan” ay isa sa mga pinakamataas na parangal na binibigay ng unibersidad.Nagsimula noong May 12  hanggang Mayo 14 ang 2014 Commencement Exercises ng  PUP.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Villar na wala naman umanong imposible sa isang taong nagsisikap at nais na makamit  ang kanyang mga pangarap.

Inihalimbawa nito ang  karanasan ng kanilang pamilya kung saan nagsimula lamang sila sa  mababa  subalit nakipaglaban sa hamon ng buhay.

Tanging ang sipag at tiyaga lamang ang kanilang naging puhunan at sandalan upang  umunlad kung saan  nakatu­tulong din sa ibang nangangailangan sa ngayon.

Kabilang din  sa mga naging panauhin sa nasabing programa sina Hon. Henry Lim Bon Liong, chairman at executive officer ng Sterking Group of Companies; Hon. Isidro A. Consuji, chief executive officer at president ng DMCI Holdings Inc.; Hon. Jose Rizalino L. Acuzar, chairman ng New San Jose Builders Inc.; Hon. Reghis M. Romero II, chairman ng board at founder ng R-II Holdings Inc .

Tinanghal naman na nag-iisang summa cum laude si Laurenze John G. Estrada na  mula sa PUP Lopez, Quezon. Nagtapos si Estrada ng BS Civil Engineering at may weighted average na 1.19.

 

BAYAN

CIVIL ENGINEERING

COMMENCEMENT EXERCISES

CYNTHIA VILLAR

HENRY LIM BON LIONG

HOLDINGS INC

ISIDRO A

JOSE RIZALINO L

LAURENZE JOHN G

NEW SAN JOSE BUILDERS INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with