Houseboy dinedo ng kaibigan

MANILA, Philippines - Napatay ang 51-anyos na houseboy makaraang pagsasaksakin ng kaniyang matalik na kaibigan habang natutulog kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila. Idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Saturnino Salacot y Luz ng #2416 Hizon Street, Sta. Cruz, Maynila. Mabilis namang nadakip ang suspek na si Teofilo “Lolo Pilo” Cativo y Badilla, 61, walang asawa at walang permanenteng tirahan. Sa ulat ni SPO3  Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4 ng madaling-araw nang lapitan at saksakin ng suspek ang biktima habang natutulog sa eskinita ng M. Hizon Street. Nang matukoy ni  Kagawad  Jose Vicente, 57, ng Barangay  365,  Zone 37, na si Lolo Pilo ang suspek ay humingi ito ng tulong kay P/Chief Insp. Randy Maluyo , hepe ng Blumentritt Police Community Precinct kaya naaresto si Cativo.Nabatid na kahit dating  matalik na magkaibigan ang biktima at suspek, nagawa pang  pagplanuhan ang pagganti nito sa biktima na noong isang linggo lamang umano nag-away.

Show comments