^

Metro

Lolo na-heat stroke sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lolo ang nawalan ng malay matapos itong bumagsak sa sahig at mabagok ang ulo dahil umano sa tindi ng naramdamang init sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 (dating old domestic airport), kahapon ng umaga.

Ang pasaherao ay nakila­lang si Samson Alcantara, 79, na umano’y biglang kinapos ng hininga habang nakapila sa check-in counater ng Zest Air patungong Malaysia.

Sinasabi sa ulat, gatas lamang ang ininom ni Alcantara ng umalis sa kanilang tahanan patungong airport dakong alas-­4 ng madaling araw.

Si Alcantara ay mabilis na itinakbo sa San Juan de Dios Hospital para malapatan ng kaukulang lunas kaya hindi na ito nakaalis ng bansa.

Umani ng reklamo mula sa mga pasahero ang Terminal 4 dahil sa umano’y tindi ng init dahil under renovation ang lugar. Tulad ng NAIA 4 ay ganito rin umano ang nararanasang init sa NAIA 1, 2 at 3.

Kamakailan lang ay isang bata rin ang itinakbo sa medical clinic ng paliparan dahil nahirapan huminga dahil pa rin sa sobrang init dito.

DIOS HOSPITAL

ISANG

KAMAKAILAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SAMSON ALCANTARA

SAN JUAN

SI ALCANTARA

SINASABI

ZEST AIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with