^

Metro

Mag-asawa natagpuang patay sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang duguan dahil sa tama ng bala ng baril sa kanilang mga ulo ang mag-asawang kauuwi lamang galing sa Japan at Dubai sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Quezon City, madaling araw ngayong Biyernes.

Nakita ang bangkay nina Al Bryan Padua at Erika Mauricio sa loob ng kanilang bahay Azucena Street, Barangay Roxas District, bandang 2 ng madaling araw.

Ligtas naman at walang sugat ang 4-anyos nilang anak na lalaki.

Hinala ng mga pulis, nagpakamatay ang mag-asawa base sa mga sugat nila. May tama ng bala ng baril sa ulo ang lalaki at may indikasyong nagbaril ito sa kanyang bibig habang ang babae naman ay may tama sa sintido at kanyang panga.

Ayon sa mga kamag-anak, kararating lamang ni Padua galing Japan at dumiretso sa tinutuluyan ng kanyang mag-ina. Si Mauricio at ang kanilang anak na lalaki naman ay may ilang araw nang nasa bansa galing Dubai.

Nakatakda ring lumipad pabalik ng Dubai ang mag-ina.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

vuukle comment

AL BRYAN PADUA

AYON

AZUCENA STREET

BARANGAY ROXAS DISTRICT

BIYERNES

DUBAI

ERIKA MAURICIO

HINALA

QUEZON CITY

SI MAURICIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with