MANILA, Philippines - Pinalulutang na ni Manila Police District DiÂrector P/Chief Supt. Rolando Asuncion ang dating pulis na suspek sa panghoholdap sa isang Kano matapos na kilalanin sa photo gallery ng PNP.
Ayon kay Asuncion, dapat na umanong sagutin ni Ex-PO1 Reggie Dominguez ang reklamo sa kanya ng biktimang si Adam Miler, 54.
Si Dominguez ay isa sa dalawang suspek na sinasabing nangholdap kay Miler noong linggo.
Batay sa report ni P/Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD General AssignÂment Section, dalawang suspek ang inireÂreklamo ni Miler na sumita at nangholdap sa kanya.
Nagpanggap na mga pulis sa pamamagitan ng pagsusuot ng PNP Blue Patrol t-shirt habang sakay ng Goldish Brown SUV na walang plaka sa harap ng VAREB Mansion sa #1679 A. Mabini St., kanto ng General Malvar St., Malate, Manila.
Naglalakad si Miler sa nasabing lugar sa Malate nang sitahin ng dalawang suspek kung saan hinanapan ng pasaporte at habang iniinspeksyon ang backpack ng dayuhan ay kinuha ang US$ 4,000 cash ng biktima.
Sinabi naman ni Riparip na marami na umanong warrant of arrest si Dominguez na kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad.