Rosal pinayagang makapunta sa lamay ng anak

MANILA, Philippines – Pumayag ang korte sa Pasig City na makapunta si Andrea Rosal, anak ng namayapang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines-New People's Army  na si Roger Rosal, sa lamay ng kanyang anak sa Maynila.

Tatlong oras lamang ang ibinigay ng korte kay Andrea upang makapunta sa burol ng anak na si Diona Andrea sa IFI Cathedral, Taft Avenue sa Maynila.

Ibinasura naman ng korte ang hiling ni Andrea na makapunta sa libing ni Diona na nasawi nitong kamakalawa lamang, isang araw matapos ipanganak.

Kaugnay na balita: Pagkamatay ng sanggol ni Rosal 'wag isisi sa amin - AFP

Hypoxemia o kakulangan ng oxygen ang ikinasawi ni Diona sa Neonatal Intensive Care Unit ng Philippine General Hospital.
 

Show comments