^

Metro

Empleyado pinaslang, isinako na, ikinahon pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang em­pleyado  makaraang matagpuan ang bangkay nito na isinilid sa isang sako at pinagkasya sa loob ng isang kahon, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Dakong alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng 32-anyos na si Leonardo Baris,  at naninirahan sa Orede St., Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang 26-anyos na si Remcy Flores, kasamahan ng biktima sa kompanyang pinapasukan para sumailalim sa imbestigasyon kaugnay sa naganap na krimen.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng banyo ng sangay ng Mang Bok’s Food Inc. sa may MacArthur Highway, Brgy. Malanday, sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), lumalabas na iginapos ang biktima at pinalo ng matigas na bagay sa ulo sanhi ng kamatayan nito.  Nawawala rin ang dalang pera nito na kinita ng kainan sa loob ng dalawang araw at hindi na rin makita ang motorsiklo nito.

Sinabi ni Mario Brillantes, supervisor ng kainan, na nag-umpisang mawala noong hapon ng Mayo 13 ang biktima.  Hinahanap umano niya ito dahil sa hindi pa naibibigay sa kanya ang pinagbentahan ng kainan sa loob ng dalawang araw.

Ayon sa mga kasamahan, napansin umano nila si Flores na pinagmamasdan lahat ng kilos ni Baris bago ito mawala.  Nakita rin ang suspek na laging nakaupo sa container malapit sa banyo ng kainan bago natagpuan ang bangkay ng biktima.  Bigla na lamang itong naglaho nang madiskubre na ang bangkay.

vuukle comment

DE LEON

FOOD INC

LEONARDO BARIS

MANG BOK

MARIO BRILLANTES

OREDE ST.

REMCY FLORES

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with