^

Metro

Agawan sa mikropono: 2 kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang dalawang lalaki nang pagsa­saksakin ng isang grupo rin ng kalalakihan matapos na mag-agawan sa pagkanta sa loob ng isang bar, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kapwa isinugod sa Jose Reyes Me­morial Medical Center  sina Franklin Celso, 20, factory worker at Filamer Ralar II, kapwa ng Karisma Village, Brgy. Panghulo ng na­turang  lungsod.

Naaresto naman agad ng mga wtoridad ang dalawa sa mga suspek na sina Wilmer Padilla, 25; at Alvin Rempis, 18, kapwa ng E. Martin st., Brgy. Santulan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang mga biktima at suspek sa loob ng isang videoke bar sa may Tatawid St. sa naturang lungsod alas-11 ng gabi at nang tumugtog ang request song na “Pusong Bato”, nag-agawan na sa mikropono ang dalawang grupo na pareho palang nagreserba ng kanta sa videoke machine.

Dito sumiklab ang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo na pawang mga lasing na.  Armado pala ng patalim ang mga suspek at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang mga biktima.

Tiyempo namang agad na nakaresponde ang mga barangay tanod sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek habang papatakas ang mga ito.

vuukle comment

ALVIN REMPIS

BRGY

FILAMER RALAR

FRANKLIN CELSO

JOSE REYES ME

KARISMA VILLAGE

MALABON CITY

MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with