Preso patay sa heatstroke
MANILA, Philippines - Dahil sa tindi ng init sa loob ng selda, nasawi ang isang mister na halos isang linggo pa lamang nakukulong nang atakihin ng mataas na presyon ng dugo at ma-stroke, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.
Naisugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan rin ng hininga si Rolando Dador, 59, ng Libis Baesa ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Caloocan Police, Mayo 4 dakong alas-5 ng hapon nang arestuhin ng mga pulis si Dador dahil sa pambubugbog sa kanyang misis na si Nely, 54. Nasampahan ito ng kasong violation against women and their children ngunit hindi nakapagpiyansa ng hinihinging P50,000 ng piskalya kaya tuluyang nakulong.
Nakulong sa Caloocan Police Station 1 ang suspek habang hinihintay ang “commitment order†para mailipat ito sa Caloocan City Jail.
Biyernes ng hapon nang magreklamo ng hirap sa paghinga si Dador kaya agad itong isinugod sa CCMC at na-confine dahil sa mataas na presyon ng dugo. Alas-2:45 kamakalawa ng madaling araw nang tuluyang malagutan ng hininga ang suspek dahil sa Cerebravoscular Disease Blood Hypertension Stage 2.
- Latest