MANILA, Philippines - Patuloy na isinusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang maayos na pagpapatupad ng good governance sa lungsod para sa malayang pakikiisa ng mamamayan sa proseso ng pamamalakad sa lokal na pamahalaan.
Bunga nito, nais ng QC government sa pangunguna nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Belmonte na para matiyak ang public accountability at transÂparencyÂ, ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang “Seal of Good Housekeeping†sa lahat ng 142 barangays sa lungsod.
Ang naturang hakbang ay magbibigay inspirasyon sa hanay ng mga barangay at agrisibong makabubuo ng mga paraan na higit na magpapasigla sa maayos na pangasiwaan sa lungsod hindi lamang sa city level kundi hanggang sa barangay.
Ang QC Barangay Seal of Good Housekeeping (QCBSGH) ay isang locaÂlized version ng DILG Seal of Good Housekeeping para sa mga Local Government (LGU’s) na naipatupad na sa mga siyudad, mga bayan at lalawigan noong 2010.
Ang QCBSGH ay bahagi naman ng adhikain ng pamahalaang lungsod na makamit ang isang epektibo, accountable, transparent at participatory governance.
Layunin ng programang ito na maengganyo ang barangay governments na kilalanin ang mga high performing barangays at ma-motivate ang mga ito.