^

Metro

Good governance, patuloy na isusulong ni VM Joy B sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na isinusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang maayos na pagpapatupad ng  good governance sa lungsod para  sa  malayang pakikiisa ng mamamayan sa proseso ng pamamalakad sa lokal na pamahalaan.

Bunga nito, nais ng QC government sa pangunguna nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Belmonte na para matiyak ang public accountability at trans­parency­, ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang “Seal of Good Housekeeping” sa lahat ng  142 barangays sa lungsod.

Ang naturang hakbang ay magbibigay inspirasyon sa hanay ng mga barangay at agrisibong makabubuo ng mga paraan na higit na magpapasigla sa maayos na pangasiwaan sa lungsod hindi lamang sa city level kundi hanggang sa barangay.

Ang QC Barangay Seal of Good Housekeeping (QCBSGH) ay isang loca­lized version ng DILG Seal of Good Housekeeping para sa mga  Local Government (LGU’s) na naipatupad na sa mga siyudad, mga bayan at lalawigan noong 2010.

Ang QCBSGH ay bahagi naman ng adhikain ng pamahalaang lungsod na makamit ang isang epektibo,  accountable, transparent at participatory governance.

Layunin ng programang ito na maengganyo ang  barangay governments na kilalanin ang mga high performing barangays at ma-motivate ang mga ito.

BARANGAY SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING

BUNGA

LOCAL GOVERNMENT

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with