Mason utas sa tren

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na mason ang nasawi makaraang mahagip ng tren kung saan naputol ang isa nitong paa kahapon ng umaga  sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang  biktima na si Max Padon, ng Aleway Construction na nasawi habang isinasailalim sa surgical operation sa nasabing pagamutan.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), naganap umano ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga nang mahagip ng tren sa Antipolo St. sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue, Sta. Cruz, Maynila ang biktima.

Ayon kay Lito Liaban, foreman at kasamahan ng biktima, nagsasagawa sila ng rip rapping sa isang flood control canal na nasa tabi ng riles ng tren nang biglang tumawid ang biktima.

Hindi umano akalain ng biktima na mahahagip siya at makakaladkad ng tren na pumutol sa kanyang mga paa.

Naisugod naman agad ng mga kasamahan sa pa­gamutan ang biktima nang makitang bumubulwak ang dugo sa naputol na paa.

Show comments