Factory sa Caloocan nasunog

MANILA, Philippines - Aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa isang factory sa Caloocan City kagabi.

Nagsimula ang sunog bandang alas-11 ng gabi sa Annkimted Enterprise company na pagmamay-ari ng isang Tommy Sy sa 4th St., Brgy. 108, Caloocan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Ayon sa pangunang imbestigasyon nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng factory kung nasaan nakatago ang mga papel at karton.

Tumagal ang sunog ng dalawang oras bago naapula bandang 1:15 ng madaling araw ngayong Martes.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.

Show comments