MANILA, Philippines - Tatlong katao na kinabibilangan ng isang babae ang inaresto ng mga awtoridad dahil umano sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isinaÂgawang buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City.
Kinilala ni P/Senior InsÂpector Glen Aculana, hepe ng Marikina City Police Station’ Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group ang mga nadakip na suspek na sina Amina Malaatao Abdul, 26; Ian Lawrence Merdegia Banares, 18; at Asmila Afuan Gimba, 30, pawang residente ng Brgy. Tumana, Marikina City.
Nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga kamakaÂlawa nang maaresto ang mga suspek sa isang buy bust operaÂtion sa Block 45, Mais St., Bgy Tumana, Marikina City.
Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may 66 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hiniÂhinalang shabu, isang caliber .45 colt pistol, 6 pirasong cellphone, dalawang timÂbangan, isang.9mm magazine, isang .45 cal magazine, P440 cash, iba’t ibang foreign currency, walong pirasong bala ng .45 caliber pistol, anim na bala ng 9mm, 44 pirasong .22 caliber ammunition.
Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sec 26, Sec. 5, Sec. 11 Art. 11 ng RA 9165 at PD 1866 sa Marikina City Prosecutor’s Office.