Pasig Ferry ng MMDA binuksan, 1 linggong libreng sakay

MANILA, Philippines – Binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang ferry service sa Ilog Pasig ngayong Lunes.

Pinangunahan ni MMDA chairman Francis Tolentino ang paglulunsad ng ferry service sa Guadalupe Terminal sa lungsod ng Makati kaninang alas-7 ng umaga.

Layunin ng MMDA na magkaroon ng ibang masasakyan ang publiko upang maiwasan ng matinding trapik sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at ang siksikan sa Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3).

Sinabi ni Tolentino na libre ang sakay sa kanilang ferry sa loob ng isang linggo.

Tatakbo ang ferry mula sa Plaza Mexico sa Maynila hanggang sa Pinagbuhatan, Pasig City sa pagitan ng ala-6 ng umaga hanggang ala-7 ng gabi.

Sa ngayon ay hindi pa napagdedesisyunan ng MMDA kung P25 o P50 ang magiging singil sa bawat pasahero.

"The Pasig Ferry service system, if you would look at the route of the Pasig. it courses right through the center of Manila and crosses through districts like Fort Bonifacio and Makati," wika ni DOTC Undersecretary Rene Limcaoco.

"What is important to notice is the new route will connect with our new jeepney routes so the People getting down from the Pasig will go easily, can use intermodal transport to reach their destination.That's why it is key that this Pasig ferry system be intermodal," dagdg niya.

Show comments