Underground lines sa Newport Complex, dadagdagan

MANILA, Philippines - Sisimulan na ang pagdagdag ng underground lines ng kur­yente sa Newport Complex, Pasay City mula Mayo 1 hanggang Hunyo 9 ngayong taon.

Agad namang inabisuhan ang mga motoristang dumaraan sa lugar na tahakin muna ang traffic re-routing plan sa mga nasabing araw o petsa.

Mula Mayo 1 hanggang May 20, isang northbound lane ng Andrews Ave. sa pagitan ng mga kalye ng Resort Drive ang isasara pansamantala.  Sa Mayo 21 naman hanggang Hunyo 9, isang lane sa Sales St. papuntang Andrews Ave. ang hindi madadaanan ng mga sasakyan.

Dahil sa patuloy na pag-usbong ng mga pagbabago sa nasabing lugar kaya inaasahang tataas din ang demand sa kuryente na matutugunan lamang sa pag-upgrade ng underground distribution facilities.

Ang mga development na ganito, kabilang ang pagtatayo ng malalaking infrastructure ay lalong makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng MSERV sa mga ahensya ng gobyerno para maayos na maipatupad ang re-routing, sa pamamagitan ng traffic advisory signs at tulong mula sa mga itinalagang traffic enforcers.

 

Show comments