Lalaki nagbigti

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pulisya ang posibleng motibo sa ginawang pagbibigti ng isang 30-anyos na binata na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Jose Ryan Aclao, ng Marcelo St., Bgy. Malanday, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng ina ng biktima na si Edna na dinalaw lamang umano niya ang anak nitong Sabado at iniwan niya sa bahay dakong alas-10 ng umaga upang bumili sa tindahan.

Nagulat na lamang siya pagbalik nang makita na nakabigti na ang anak gamit ang isang nylon cord sa loob ng kuwarto nito.  Agad namang humingi ng saklolo sa mga kaanak ang ginang at kinalag sa pagkakabigti ang binata saka isinugod sa pagamutan.

 

Show comments