HS stude tumalon sa mall, patay

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang 2nd year high school student matapos itong tu­ma­lon sa isang shopping mall sa Las Piñas City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Elthon Phillip Cabacungan, 16, ng Me­trocor Homes-B, Brgy. Ta­lon 5 ng naturang lungsod.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente ala-1:25 ng hapon sa isang mall sa  Alabang-Zapote Road, Brgy. Almanza Uno ng naturang lungsod.

Nabatid sa ilang saksi na ang biktima ay pala­kad-lakad sa may Cyber­zone area ng naturang shopping mall nang bigla itong tumalon hanggang sa bumagsak ito sa lower ground floor dahilan upang mabasag ang bungo nito.

Mabilis itong isinugod ng ilang taong naroroon sa nabanggit na ospital, su­balit hindi na ito naka­rating ng buhay.

Ayon kay Senior Supt. Samala, inaalam pa ng kanyang mga tauhan ang dahilan nang pagpapakamatay ng naturang biktima.

                         

Show comments