Salvage victim natagpuan sa QC

File photo

MANILA, Philippines - Nakabalot ng garbage bag na pinuluputan pa ng packing tape ang ulo ng isang bangkay ng lalaki nang matagpuan sa lungsod ng Quezon City ngayong Biyernes.

Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang bangkay ng lalaki na natagpuang nakahandusay sa isang kanal sa Arboretum, Brgy. UP Campus.

Tinatayang nasa edad 50 pataas ang  biktima na nakasuot ng brown shorts  at puting polo shirt.

Natagpuang katabi ng bangkay ang isang karatulang may nakalagay na "Holdaper ako. Wag nyo akong tularan."

Show comments